Ang Saya-Saya
Ito ay totoong kwento hango sa totoong buhay - sa akin (yung buhay).
At may kahalo ring kaunting commentary.
Kakasakay ko lang ng jeep sa Katipunan nang pumatak ang ambon na, di nagtagal, ay naging ulan. Nagbayad ako ng P7.50 sa isa sa dalawang konduktor dahil sa Robinsons Metro East lang ako bababa.
Naisip ko lang, ang galing pala: bumaba sa P7.00 ang minimum fare ng mga transport groups noong nakaraang taon bilang pamasko sa mga commuter. At ngayong magpapasko na ulit, tsaka lang ibinalik sa P7.50. Ang talino lang, diba?
Anyway, balik sa kwento. Dumaan kami sa LRT station ng Santolan at, as usual, pinuputakte ito ng mga jeep na nag-aagawan sa mga pasahero. Dahil hindi pa puno ang jeep na sinasakyan namin, ay siyempre may katwiran si manong driver na maki-agaw din kahit nakaharang na kami sa gitna ng kalsada pagkat hindi na kami makakalapit pa sa estasyon dahil sa dami ng jeep.
"Bakit ka takot sa ulan?" tanong ni konduktor 1 kay konduktor 2, na siyang nakasabit lang ngunit sumisilong sa bubong ng jeep habang nagtatawag ng pasahero. "Kambing lang ang takot sa ulan!" dagdag pa ni konduktor 1, sabay lumabas at buong-tapang na bumaba ng jeep para magtawag ng pasahero.
Eh, umandar yung jeep. Naiwan si konduktor 1.
"Hoy, sandali lang!" sigaw ni konduktor 2 sa driver.
Eh, lalo pang bumilis yung takbo. Boom, baby. Hindi na namin nakita pang muli ang matapang na si konduktor 1.
'Yun pala ay sinisita na kami ng pulis. Malamang lang. Bawal yung ginawa naming pag-balandra sa gitna ng kalsada, eh. Pero masisisi niyo ba 'tong mga taong 'to na naghahanap-buhay at walang nahahanap na sapat na buhay? Kaya nga P7.50 na binayad ko kahit estudyante ako, eh. Para kahit papano, makatulong lang ako sa pagdagdag ng "hay" sa "buhay" nila.
Eh, yung pulis, masisisi niyo ba siya? Well, ako, oo (wag niyo na tanungin kung bakit, tinatamad ako mag-explain). Pero sa totoo lang, ginagawa rin niya ang trabaho niya. Naghahanap-buhay din siya.
"Humahabol!" sigaw ni konduktor 2 sa driver. Lumingon ako at nakita ko, medyo may kalayuan sa likod namin, ang isang lalake na may kapote at nakasakay sa kaniyang motorsiklo na - oo nga - humahabol. Malamang, edi bumilis pa lalo 'yung takbo ng jeep. Lumagpas na kami ng Ligaya at humahabol pa rin yung lalaki.
"Ayan na 'yung baboy!" sigaw muli ni konduktor 2. "Ang tigas!" dagdag pa niya.
"Para!" sigaw naman ng isang babaeng pasahero. "Sa Ligaya ho ako bababa!"
Eh, lumagpas na nga kami.
"Sakay na lang ho ulit kayo diyan sa may Robinson." sabi ni konduktor 2, sabay abot sa babae ng P7.00.
Eh, lumagpas din kami ng 'Robinson'. (Oo nga naman. Singular diba? Kaya 'Robinson' lang, walang 's'.)
"Diyan na lang ho sa kabila." sabi ni konduktor 2. Eh, lumagpas din kami sa 'kabila'.
Meanwhile, may isa pang matandang babaeng pasahero na nagsasabing sa Town and Country daw siya bababa at hindi pa niya nakukuha ang sukli niya. Kasabay nito ay ang pagrereklamo noong isa pang babaeng pasahero na P7.50 ang pamasahe at P7.00 lang ang binigay sa kaniya ni konduktor 2 para bumalik ng Ligaya.
Sa Town and Country kami huminto, at hindi ko na makita pa 'yung lalaking humahabol kanina. Ang huli kong narinig bago ako bumaba ay 'yung driver na sumisigaw sa konduktor na hindi naman daw yata pulis 'yung akala naming humahabol sa amin. Iyon ang huli kong narinig bago ko buksan ang payong ko at salakayin ang ulan, ang tapang ko'y nagliliyab pa matapos makahanap ng inspirasyon sa sakripisyo ni konduktor 1 at ang mga paa ko'y matibay na nakatanim sa...well, sa baha. Ang saya-saya.
Mahaba-habang lakad din iyon papuntang Robinsons. O langoy ba? Tapos nakita ko pang natanggal ang pagkakatali ng sintas ng kanan kong sapatos. Ang saya-saya talaga. So, habang tinatahak ko ang baha ay maligalig na lumalangoy ang sintas ng sapatos ko sa tubig na siguradong kagigiliwan ng Leptospira. At kasing ligalig din ng sintas ng sapatos ko ang mga sasakyang dumadaan habang buong-pwersang ini-isplash sa akin ang baha na NALAGPASAN KO NA NGA, EH!!! Minsan ay ginagamit ko ang payong ko bilang kalasag, para hindi ako mabasa ng mga ganun. Kaso, siyempre, isa lang ang payong ko. Kaya, kung na-block ko man ang tubig bahang tumatalsik, inialay ko naman ang sarili ko sa pagbuhos ng ulan. Pero mas okay na 'yung "plok, plok, plok." na basa kaysa naman yun "ppprrrsshhhfffwwweckk!!!".
At ito ako ngayon, baun-baon pa rin ang baha sa aking pantalon, at gumagastos ng P130.00 para mag-blog sa isang internet cafe' sa 'Robinson'.
Images (courtesy of Wikimapia.org)

2 Comments:
Savour casinos? ruminate on this innocent [url=http://www.realcazinoz.com]casino[/url] right and induce find creditable online casino games like slots, blackjack, roulette, baccarat and more at www.realcazinoz.com .
you can also into our up to the minute [url=http://freecasinogames2010.webs.com]casino[/url] advert at http://freecasinogames2010.webs.com and knock off artless incredibly touched in the prime charg‚ d'affaires !
another additional [url=http://www.ttittancasino.com]casino spiele[/url] arbitrator is www.ttittancasino.com , as an singling out of german gamblers, withe in manumitted online casino bonus.
top [url=http://www.xgambling.org/]casino bonus[/url] hinder the latest [url=http://www.realcazinoz.com/]casino online[/url] autonomous no set aside perk at the leading [url=http://www.baywatchcasino.com/]laid-back bonus casino
[/url].
Post a Comment
<< Home